Tuesday, July 1, 2008

prozac, valium and some redhorse

yow! ilang try din ako mag log-in (ang log-on daw sa website ginagamit sabi ni comcoach). nakalimutan ko na kasi username ko dito pero ang password hindi.hehehe.inaamag amag na ang blog ko..

anu ba kukwento ko? marami..nahuli ako ng traffic enforcer dito sa cebu kasi mali mali ang tinatawiran.50 ang bayad or seminar.sabi ko, 30 nalang po, wag nyo na resibuhan.ehehe.di ko nauto, siningil pa rin ako....pumila ako sa atm, eh magkakulay yung atm ko at sm advantage card, ahahaha, kaya pala ilang beses nag prompt yung machine na bank is offline, kasi yung sm advantage card yung naisasaksak ko...umiwi akong nag-iisip na antanga tanga ko.

binista ko friends ko sa tacloban. namiesta kami ng katakut-takot..inuman ng katakut-takot...i slept with my ex ex ex.habang may bf pa sya.at paulit-ulit ang sex hanggang hin-hunting na ako ng jowa nyang may kotse (yaman daw yun kaso premature ejaculator daw :p ehehe).

i went through a month-long depression.gabi-gabi ako umiinom pero hindi umiiyak ha.inom lang ng inom ng inom.nakabawi na ako ngayon.matinu-tino na ng kunti.thanks sa mga friends na gumagabay.

nagbakasyon ako kasama ng mga kaibigan para makalimutan ko lahat ng problema, sakit, pait at kung anu-ano pang bad na nangyari sa buhay ko.akalain mo yun, mararanasan ko palang ma-depress...?akala ko healthy na buhay ko kasi patawa tawa lang ako, yun pala hindi ako exempted sa mga nakakaramdam.

ngayon bago na bahay ko.share kami nung friend ko.okay lang, wapakels kahit tabi kami sa bed kasi king size na bed yung nasa kwarto.may unan sa gitna.harhar...lagi lang kami medyo nagkakagulo dahil sa aircon.ayaw nya ng malamig na malamig ako naman gusto ko yung nangangatog ngatog ako.eh 3 kumot ko, sya isa lang,hehe.maliban dun, okay na ang lahat.

nangangarap nalang ako ngayon ng gising...gusto ko magka laptop, mapalitan yung cp ko na nawala..last month kasi nawala wallet ko pati cellphone.nagtatyaga ako ngayon sa lumang cellphone ng kapatid ko na laging ay problema.baka po may gusto mag donate kahit yung 3315 lang.tatanggapin ko talaga....seryoso....hehehe.

magulo pa rin buhay ko.kakasawa na rin ganito pero okay lang..excited na naman ako dun sa araw na maaayos ko lahat, pero mukhang matagal pa...

pati puso ko gulong-gulo talaga.may mahal ka, hindi pwede..may nagmamahal sau, di mo naman mapilit sarili mo.pikit-mata lahat ng desisyon eh. puro sugod ng sugod..pag naman dun sa kailangan ng tapang umuurong bayag ko..hay ewan.

dean: oh hayan may update na ako...

jemar: bakit nawala ka po?

mikmik: thanks for everything. ganda ng kanta sa blog mo.

redlan: ayan update na...wawa naman mga taga ilo-ilo..kinawawa ni frank.

mikel: nakarelate ako dun sa post mo bout nakabuntis.haha...*pawis na malamig

bob: miss na miss na kita.....:p


Never Had A Dream Come True - S Club 7

12 comments:

dean said...

finally bumalik ka na... hope you're ok na.

Dabo said...

so youre not recieving any of my text bummer?...


keep safe dearie..

RedLan said...

uy nag update july 1. lasing lasing palagi ka na lang lasing. magaling sa singing paglasing. hehehe

Frankie Calcana said...

parehas lang po tayong niaamag ang blog. pero it's good to be back. welcome back din!

Diablo said...

hahaha. how does it feel like, sleeping with ur ex ex ex again? ^_^

anyhow, welcome back parekoy.

coach said...

musta na mike. miss ko na ikaw at ang kwento mo. update!

mikel said...

tae ka. buhay ka pa pala!

namiss kita. apir!

KC said...

Pareho lang tayong inaamag ang blog. Hehe. :p

eLay said...

hello! kilala mo pa ba ako? hehehe.. ngaun lng ulit ako nakapagblog hop.. dumaan din ako sa sinasabing "depresyon" kaya lumayo panandalian.. hehehe.. hope ur okay now. God bless!

Kape Kanlaon\ said...

visiting you here.. I enjoyed reading until the end of the post so I opted to drop a comment. are you from cebu?

coach said...

annyeong. musta na. sayang wala ako number mo, i went to cebu nung summer vacation. :) nameet sana kita.

PRUE HALLIWEL :: OBSERVER OF LIFE said...

haluch.... chanced upon your blog and... napapangiti na lang ako sa mga kwenot mo... so human... can relate too as well...

oh well, here's hoping everything turns out fine on your side of the world very soon...

prue