Wednesday, May 28, 2008

10 Craziest Things

na ginagawa ng lasing...ehehe

last nyt, a friend sent me a text message enumerating the crazy stuffs drunk ones do.i received the text after my third shot of mojitos.for a month now, i've been drinking almost every night (with friends of course). usually we take the "national beer", redhorse (wandering commuter thinks it's san miguel) but there were times when we would crave for tequilla or boracay concoction. i don't have any qualms about the it. i drink whatever is available. so long as there is ice, no worries.

i don't know why i am doing this. what i know is im beginning to love the feeling of being wasted. the natural anesthetic effect of the alcohol feels good...soo good. happy thing is that my boardmate/friend loves to drink too...no kaartehan..sometimes we wud go out at 12midnight just to buy 3 bottles of "grande" and mani andin an instant,life becomes worry free.

anyways, i'll share what's in the list. feel free to relate..

1. umiiyak kahit walang dahilan.
2. nagbibigay ng advice sa kapwa lasing.
3. kumakanta ng pasintunado.
4. tinatawagan or tinitext ang ex para makipag-usap ng walang sense.
5. nai-inlove nalang bigla.
6. ginagawang unan ang inidoro.
7. nagiging galante.
8. ikinukwento ang buhay ng buong angkan.
9. nagiging english-speaking kahit wrong grammar.
10. panay ang sabi ng "hindi na ako iinom" habang nagsusuka.


ahaha.love ko ang number 4 at number 9..never ko pa ginawa ang number 6..


ikaw? ehehehe

Tuesday, May 27, 2008

agi..





mahubya man.




Thursday, May 22, 2008

revisiting, wandering (if you know what i mean)


Masakit,
Malungkot,
Ngunit hinding-hindi ko
ipaparamdam sayo ang lahat ng ito.


-pulsar.mugenblue.blogspot.com


let me write something about someone [who used to be] very special to me.nope, am not gonna rant here our "love" (charot c:) story.i just want you all to know how good he is, why i fell for him, and why "the one" whom he'll end up with,or if he already has someone now, is so lucky for having him.

there is a very simple reason why i loved him; that is, "because he's exactly not me".everything about him is lovable.he's smart, very very smart in fact, well-bred, sensible, happy, secure, kind and respectful.

he has "immeasurable" capacity for forgiveness. he's very humble and he never bragged about his achievements in life. despite all the talents, he remains simple, dreaming only of the simple things in life...in fact, as i see it, he's content with the thought of just loving and being loved in return.

i loved him because he is not me. he is more than what i am, and he will never become the same person that i am now. i hated myself before, but i abhorred myself more when i met him.i hated my childishness, my temper, my stupidities, my insecurities, my everything....don't get me wrong, when i say i hate myself, i don't refer to a "bad hate". i usually use the feeling of "self-hatred" to demand change in me, to demand for something better so i will develop love for my being.

he used to be the reason why i wanted changes in my life. he was the reason why i helped myself improve, why i sought for progress in the way i think and process things, he was my inspiration in my everyday dealings. needless [to] say, he is a great influence in my life.

i started this post with borrowed (without permission) lines from sir pulsar.why? because those lines say everything about me and him (the guy with a wandering havaianas).again, as i said a while ago, he is somebody that is not me (i hope that makes sense)

like pulsar, unlike him, i will never ever let somebody know that i am hurting, that i am in pain, that i need help and i am suffering.i will just remain silent, keeping the pain deep down, guarding it with my laughter, shielding it with my jests. i would rather stay in my room and sleep than talk or confront somebody about my discomforts.never have i ever learned how to vent out, how to say stop and mean it, how to say no with conviction and assert my right to something.

i fell for him coz he is never hesitant to tell the world what he feels. he's never afraid to speak out his mind.he would tell me if i am wrong and that I've hurt him.he would apologize and would mean it if there's a need to.

he would cry for a whole day if he's in pain, emotionally that is, and he's never ashamed to tell me about it.i don't know what he wants me to think whenever he does that, what i know is,it only makes me more deeply attached to him.it makes me realize that the person that he is is a normal human being....damn secure and genuine both to himself and to the world.

one last but most important thing, he's never afraid to say that he is madly in love.that somebody took over his heart and he is happy about it.he never had second thoughts about telling me about everything he feels.

i wouldn't do that myself.most of the times; i think that admitting to someone that he's your world is synonymous with swallowing your pride and giving up your dignity.exaggeration right? but it is true.with my insecurities and all, i vowed never to let anybody know and enjoy the thought of him hurting me or him being my weakness. that's too much for me.

good thing he's not like me c: with that, i know he'll always be happy....:p


Monday, May 12, 2008

Patawa Moments ehehehe

mga ateng..ehehe..kung gusto nyo marelax, try nyo 'to.

super panalo..ahahaha







Friday, May 9, 2008

Wish u were here...



"matalino yan si maykil kasi nagmana sa tatay nya...
ako, hayskul lang tinapos ko...."



wapakels sa talino nay.marami pa rin akong hindi alam...
importante, mahal ko ang sarili ko, kasi minahal mo ako.





i am everything i am, because you loved me.

thank you nay :p





Thursday, May 8, 2008

Landi 'ku


your password expires in three days.
do you want to change it now?



*********

yes/no

*********


'course i chose NO.3 days pa kaya..ehehehe.baka pwede pa.



char lang ui! :p



*walang maka relate.aheheehe



Tuesday, May 6, 2008

Crazy Dreamers



chen: you know what? nung bata pa 'ko, isa lang pangarap ko....i want a room full of chocolates. at hindi talaga ako mamimigay.

van: ngeks, ako naman, ang dream ko nun, kagaya ng lahat, maging madre.

me: hahaha..ako naman, gusto ko isang karton ng libro....tapos hihiga lang ako at magbabasa.pag tapos na ako, papahiram ko sa mga pinsan ko.

'to ang topic namin while eating ice cream na madalas naming gawin.bibili kami sa rustan's tapos tatambay sa jollibee. serious mode ang lahat. bigla kasi naming naisip ang magiging buhay namin in the future.pare-pareho kaming hindi plinano ang sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon. pero wala kaming magagawa..

matataas ang pangarap namin. ako, maging secretary ng DOH...si chen gustong maging head ng NEDA.ipinaglaban nya talaga ang pangarap nya, nag masters pa para lang matanggap sa NEDA pero till now wala pa ring klarong resulta ang lahat. Si van, malupit, seryosong i pursue ang career nya sa PDEA.hindi na kami nagtanong sa isa't isa kung bakit ganito ang mga pangarap namin. alam lang namin, nararamdaman namin yung "tawag" ng propesyon kung kaya't pinipilit pa rin namin ang mga pangarap namin na mabuo.

napapabuntong-hininga kami pag nare realize namin kung gaano kalayo ang sitwasyon namin ngayon sa mga pangarap namin.ayaw na ni chen sa chocolates. ayos na sa akin kahit iilang libro.si van malabong maging madre.mas mataas na ang liliparin namin para maging matagumpay. sa ngayon, walang malinaw na daan papunta sa DOH, sa NEDA, sa PDEA..

pero malay natin di ba?


Saturday, May 3, 2008

Sweet Rice



isa sa mga kinakaharap na problema (char, ang lalim ng opening) ng bansa ngayon eh ang kakulangan ng suplay ng bigas.dahil dito, sobrang tumaas ang presyo ng pangunahing pagkaing pinoy at talaga namang pila kung pila ang mga inay para lang makabili ng NFA.

kung ang iba ay nag-aalala sa bagay na ito, ako naman ay hindi.alam ko kasi na hindi maapektuhan sa ngayon ang pamilya ko dahil sa isang bagay.marami kaming bigas.eheheehe.bata pa ako, ganun na ang sitwasyon namin, si tatay ay certified magsasaka at si nanay naman ang taga subaybay sa mga ani namin.sipag kung sipag ang dalawa, ang bukid namin ay sobrang layo, 2 oras gamit ang bangkang de motor bago marating mula sa aming baryo.tyaga sila na malayo sa amin, dahil nag-aaral kami sa baryo samantalang kailangan nilang asikasuhin ang palayan.

ang eksena sa bahay, pwedeng mangyaring wala kaming ulam dahil walang pambili. pero hindi kailanman kami naubusan ng bigas sa rice dispenser (juk, sa sako lang, hekhek). ewan ko kung bakit sa kabila nito, hindi umasenso ang buhay namin. ang kagandahan lang, nakakatawid kami ng hindi nagugutuman.

isa sa dahilan kung bakit hindi kami naging mayaman kahit ang dami naming bigas eh ang presyo ng palay sa lugar namin. dagdag dyan ang nakakainis na eksena ng patubo sa utang.habang inaantay na mahinog ang palay, kinakailangan namin ng panggastos. ang siste, uutang ang inay at ang pangako eh babayaran ng palay. sa ganitong eksena, tuwing anihan, malaking parte ng ani eh napupunta sa interes ng utang at pambayad na rin dito.

nung nakaraang taon, nagsumikap talaga akong makahanap ng pera para mabayaran namin ang isang negosyanteng inutangan ni inay nung para maipadala sa akin nung ako'y nag board exam. sa kabutihang-palad, nakakuha ako ng pera na agad kong ipinadala sa kanila.laking tuwa ni itay nung mabayaran namin ng buo ang utang dahil sa ganung sitwasyon, solo na namin ang aming ani.

ayun.may espesyal pa na bigas na itinanim si itay para sa kanyang mga mahal na anak. ang tawag nya dito ay "sweet rice", hindi ito yung malagkit na ginagawang biko, ehehehe. totoo namang manamis namis ang bigas. gusto nya raw kasing ganado kami kumain at yun ang pagpapakita nya na mahal nya kami.

ayaw namang sabihin ni itay kung anung variety ng palay ang sweet rice.naisip ko tuloy na malamang hindi totoong kakaiba ang bigas na yun.pwedeng katulad din lang sya nung iba, naiba lang dahil alam naming "espesyal" yun, kasi ani ni itay, at naging manamis namis sa panlasa naming mga anak nya kasi nahaluan ng elemento ng pagmamahan nila ni inay :p.

madalas sabihin ni nanay, "anak, tapusin mo ang pag-aaral mo...kasi kapag hindi mo yun ginawa, sa bukid ka babagsak kagaya namin.."..alam ni inay na katakut-takot na eksena para sa akin ang mapunta sa bukid namin.kaartehan or anuman, hindi ko natutunang mahalin ang palayan namin.simple ang mga rason ko noon, malungkot dun...walang libro, walang kuryente, walang mga tao, walang mga tindahan, walang kahit anu.....mamatay ako sa bukid dahil sa pagkabagot. ang mga kapatid ko tuwang tuwa na sumakay sa likod ng kalabaw, maligo sa ilog, manguha ng pinya at bayabas, lumublob sa putikan, mamingwit ng isda at kung anek anek pa pero hindi ako.

tuwing bakasyon sa eskwela, dapat dun kami mamalagi sa bukid para magkasama-sama pero kailangan pa akong pilitin para sumama. hindi ako nag-iinarte, talagang hindi ko lang mapilit ang sarili ko. at alam ko na naiintindihan ako ni itay at inay. iba ang mundo ko.sosyal ang anak nila.ehehehe...mula pa nung simula alam nilang malayo ang takbo ng pangarap ko, at sinuportahan nila ako dun.

nung maging matagumpay ako, pagkatapos ng kolehiyo, pagkatapos ng halos 5 taong hindi pagpasyal sa bukid, hindi ko inakalang makakaramdam ako ng lungkot para dito....umuwi ako na dala ang tagumpay, pero pagkatapos ng mahigit 3 araw na pagbibyahe pauwi, wala akong nadatnan sa bahay namin sa baryo.si inay, si itay, ang mga kapatid ko, lahat ay nasa bukid.

nanlumo ako. nawala ang sigla.pero nabihayan ako ng loob nung sabihan ako ng isang kamag-anak na kung gusto ko, ihahatid nya ako sa bukid. suot ang modernong kasuutan, sumakay kami ng bangka at dumeretso sa bukid.habang naglalakbay, naisip ko ang lahat ng dahilan ng pangarap ko.iisa ang naisip ko.gusto kong maging matagumpay dahil gusto kong takasan ang bukid----maling rason, napagtanto ko. kasi alam ko, saan man ako makarating, hinding hindi ko maipagkakanulo na ang bukid na tinatakasan ko ay ang parehong bukid na sumuporta sa mga pangarap ko.

hinubad ko ang sapatos ko,maputik ang daan pero nakangiti ako.nauuhaw ako hindi sa sopdrink kundi sa tubig na galing sa bukal na nakalagay sa aming tapayan. nadatnan ko silang kumakain ng ginataang native na manok at inihaw na isda.gulat na gulat sila...niyakap ko si inay, niyakap ko si itay.amoy bukid daw sila pero wala akong pakialam.

nagpalit ako ng damit, sinuot ang mga luma kong baro na nakaimbak sa baul.niyaya ko ang mga kapatid ko, sinakyan namin ang pinakamatanda naming kalabaw na si kapon, dumeretso kami sa ilog at naligo.nanguha kami ng pinya, kumain ng bayabas.

nakakatuwang alam ko pa pala kung saan ang mga lugar sa bukid na magandang puntahan.alam ko pang manipulahin ang kalabaw.alam ko pa kung paano bumalanse sa likod nya.alam ko kung panu tumawid sa pilapil at alam ko kung paano hindi madulas sa putikan.

***sa mga panahong ganito na pasaway ang bigas, naiisip kong umuwi sa amin at manatili sa palayan. dun walang rice crisis....dun ang sweet rice ni itay :-p


Thursday, May 1, 2008

Memoria De Mis Putas Tristes



Memories of My Melancholy Whores

if you have time guys at di nyo pa nabasa 'to, try nyo.maganda sya.nasurprays lang ako kanina when i opened my locker at nakita ko 'to dun :).it was a gift pala given by a friend, sweet no?since meron akong 1 hour na offline time, sinimulan ko sya basahin at talagang maganda.sobrang galing ng choice of words na tipong mapapahinto ka nalang bigla at nanamnamin mo yung bawat sentence dun.nakakaadik na parang ayaw mong matapos kasi nga sobrang ganda.hayyy.....sana lang kasing talino ako ni lolo gabriel.

Ang Putang Amerikano

biglang nung may pumasok na call at sinagot ko, pinagmumura talaga ako ng caller.as in murang hindi makain,dabest na mura sa buong mundo, fakshit, bullshit,pakyu at kung anek anek pa..first call yan ha!pero wapakels lang ako. may maganda akong libro bakit ko naman sisirain ang araw ko.ang putanginang (ahihihi) caller na yun, naiwan nya raw yung phone nya sa boarding hauz nya for 2 weeks at pinaggagamit ng mga room mates nya kaya biglang tumaas ang bill.gusto nya i adjust ko ang bill nya..tanga, kasalanan ko bang iniwan nya ang phone nya? kasalanan ba ng network at kasalanan ba ng mundo yun?well i can actually do that for him, kaya kong gawing zero ang bill nya coz i have the power *naks* to do that pero the way he treated me, tangina sya..sorry ka sir, mamatay ka kababayad ng bill mo.tangina mo! bleh..ehheheh :p


"I have never gone to bed with a woman I didn't pay ... by the time I was fifty there were 514 women with whom I had been at least once ... My public life, on the other hand, was lacking in interest: both parents dead, a bachelor without a future, a mediocre journalist ... and a favorite of caricaturists because of my exemplary ugliness."

-gabriel garcia marquez