Thursday, April 17, 2008

Pers Taym

ehem.new blog.new life.

as if ang blog ang makakagawa nun di ba?hehe.wag nyo po ako tanungin kung bakit ganyan ang title ng blog na 'to.wala akong matalinong sagot dahil super mangmang ako.yung dati kong blog, bigla nalang may pumasok sa isip ko na eat all you can kaya ayun, yun ang naging title.hindi ako mahirap kausap, kahit sa totoong buhay.swear.kung anu ang nandyan, fayn, ayos na yan.ahehe.kaya ganito ang buhay ko, puro kaululan.kasi,may utak nga ako, hindi ko naman magamit-gamit.

sana po ay tangkilikin ninyo ang aking bagong blog.naks, parang nagpu promote lang ng hapee toothpaste, gawang-pinoy.hindi ko naman siguro maiisip yung title na ganyan kung walang pinaghuhugutang malalim na nakaraan, syet, i hate the past, ahihi, di ba?

ganito lang yun.kasi po, sa kasalukuyan pagud na pagod na ako.mag-isa lang ako, at mag-isa sa totoong kahulugan ng salita yun.mag-isa sa kwarto, mag-isa sa cebu, mag-isa sa buhay (walang jowa,haha), mag-isa sa mga pangarap at mag-isa sa nyetang mga kawirduhan ko.kakapagod ang mga nangyayari sa buhay ko...pahid ng luha...tingin sa camera,lolz...wala po kasing nababago, hirap pa rin.malayo sa pamily, este family, kayod-to-the-max pero walang nararating.imbes na paakyat, bulusok ang direksyon ko.malapit ng sumadsad.

pero sa kabila ng lahat..ahem..makatang pilipino...hindi ako bibigay.hindi ko ibibigay ang iniingatan kong virginity, lolz.hindi ako susuko.pag pagod, wag magreklamo,pahinga lang ang katapat nyan.sandal ng likod, lipas na.pag gutom, wag umiyak, inom ng tubig, buksan ang skyflakes, nguya,lunok.pikit, okay na.pag nalulungkot, wag mag-alala.may mga kaibigan sa paligid,isang text, isang katok lang, instant ligaya na.pag nasasaktan, pikit lang ng mata at tumawag sa Kanya, sa dasal palaging mayroong kapayapaan.

lahat tayo, mapapagod..lahat tayo, manghihina.ayos lang, wag na wag lang tayong susuko.....sa laban ng buhay, dapat matatag (manny pacquiao ikaw ba yan!).


there are two greatest days in your life,
the day you were born,
and the day,
you'll discover why...

-mikmik



don't give up warriors :p


6 comments:

RedLan said...

uy bagong na naman? una akong nag-comment. hehehe. salamat at kahit san ka dala-dala mo pa rin ako.

KRIS JASPER said...

inspiring yung last lines mo.. (kahit dinagdag mo pa si Pacquiao. LOL).. cool name, restless warrior.. ok na yun kesa naman "restless ghost".

dean said...

adik!

buti asa work ako ngayon, kundi maluluha ako sa post mo pag sa aparment ko to binasa!!!

McRey said...

WOi bagong blog nanaman. Update ko na lang.

Dave north said...

ayos blog mo tol sobra

coach said...

ngayon ko lang nalaman ang nabuhay kang muli sa blog ^^ welcome back miss you so much. busy these days kaya di nakakaupdate ng blog.