Tuesday, April 29, 2008

Adik lang po...


"It's not enough that you've loved me for what i am,
you also have to love me
for what I am not"

-anne curtis


charot lang.di naman masyadong demanding.ahihi

ayoko na mag explain.basta, may sense ang statement ni lola anne :)

sa mga nag reak sa post ko kahapon, salamat po.walang personalan, inadik adik lang ako kahapon.walang makain eh, ayun, katol ang nadale.wala yun, woookieee?

**********

katuwa lang ang biruan eh..payday..

chen: hay padala na naman ako sa nanay ko.

papa rey: bakit?

chen: syempre, ako kasi ang breadwinner.

papa rey: ahihi..tama nga...ikaw, bread ang kinakain, ang nanay mo, winner!

ahahaha.adik :p

******ehehehe

bading na bading ang kanta sa blog ko.naman.hannah montana yan :p


Monday, April 28, 2008

I feel too...

akala mo ayos lang ako.
akala mo kaya ko.
akala mo ako ang nanakit.
akala mo bato ako.

akala mo bata lang ako.
akala mo mangmang ako.
akala mo manhid ang puso ko.
akala mo gago ako.

akala mo hindi mo ako nasasaktan.
akala mo nakakaintindi ako.
akala mo hindi ako nakakaramdam.
akala mo hindi ko alam.

************************
i may be imperfect.
i may have all the flaws.
i may be stupid at all times.
i may be dumb.

i may be nothing to you...

i may be just me,

but these do not permit you to be insensitive and hurt me.




i may be just me...but i feel too :(

Early Morning Angel


parang nakita ko na talaga.pero silent lang muna ako, baka mabulilyaso pa.pero syet, sure ako, pag 'to naging totoo, wala na talagang atrasan...akalain mo yun, sa panahong handa ka nang i-give up ang lahat at mamuhay ng tahimik, biglang may darating na anghel.pak, letche kasing kulot na buhok yan eh, brown na mata, perpektong ngipin, kalmadong disposisyon, utak na ubod ng talas, balat na mamula mula at higit sa lahat, misteryosong mga titig na parang humihingi lagi ng yakap, damay at what-have-you (na peyborit nyang sabihin), pinanginig ako at yun na....point of no return.

next week.next week...



************************************************************************



Love has no other desire but to fulfill itself.
But if you love and must needs have desires, let these be your desires:
To melt and be like a running brook that sings its melody to the night.
To know the pain of too much tenderness.
To be wounded by your own understanding of love;
And to bleed willingly and joyfully.
To wake at dawn with a winged heart and give thanks for another day of loving;
To rest at the noon hour and meditate love’s ecstasy;
To return home at eventide with gratitude;
And then to sleep with a prayer for the beloved in your heart and a song of praise upon your lips.

-Kahlil Gibran

************************************************************************

Wednesday, April 23, 2008

syet..iyak ako....


pag pamilya ang labanan, mahina talaga ako..mabanggit lang ang parents ko, mga kapatid ko, madalas sa hindi iiyak ako.at mataas ang respeto ko sa mga taong pinahahalagahan, pinaglalaban, pinagsisikapan at minamahal ang kanilang pamilya.

madonna decena, sumasaludo ako sau.









now i am singing for my girls, for their future :p

hay babaeng 'to, pinaiyak pa ako.hehe.argghh.restday ko dapat relax ako.but then, i have to admit, im really proud of her..damn proud.


Monday, April 21, 2008

UPDATES: as if interesado kayo di ba? hehe


Employee Appreciation Week


-free massage for 30 minutes.chorvaloo....hanep lang ang mga langis langis na pinagpapapahid sa amin nung masahista eh.hehe.adik si TL at talagang ipinilit ang pagpamasahe.walang tatanggi at walang magtatanong kundi masasampal daw.hekhek...ayoko nga masampal.

-may videoke sa pantry.araw-araw.hiya hiya epek pa kami nung una, nung bumirit birit ang mga libag, aba join na rin kami..ahaha..kj lang sila kasi english songs only..di ko tuloy nakanta ang walang kamatayang pagsubok.arggghh...:p


Bleeding Love

Bumisita si A sa Cebu.mga 3 weeks din syang di nakabalik.Dinner daw, sya magluluto..pinagbigyan.hekhek.ako lang ang tanging titikim.nagluto sya ng sotanghon,gudlak sa akin, sobrang nalunod sa toyo pero sabi ko angsarap.ang soup lasang mais, nung tinanong ko kung anung soup yun, chicken soup daw.no comment ako baka mapagalitan.hekhek.eto pa, ang fried chicken, sunog sa labas, dumudugo pa sa loob..wala akong imik habang kumakain, katakot manlait baka ma-offend.first time nya nagluto for me at syempre ayoko masira ang mood at makasakit..for the effort, gudlak sa manok.hehehe.buti nalang tumawa lang sya nung makita nya yung chicken....sabi ko, masarap yung chicken.ansarap ng balat :p

nood kami ng sex and the city pagkatapos.adik..pinu-forward namin dun sa mga scenes na may *toot....katuwa kasi nakakuha kami ng bagong expression.abso-fucking-lutely...:p.kinulit nya ako manood ng movie na gabriel kasi daw sobrang ganda pero hindi ako maka concentrate dahil sa antok..ayun..disappointed ang lolo.tulog nalang ako, sya rin yata, natulog na rin lang.*we're just friends okay?friends with no benefits or whatsoever.

Kudos Call

i got one kanina..yehey...sabi ni TL may $300.00 daw na bibigay sa mga agents na nakakuha ng kudos.di ko sure kung totoo pero sana naman anu..libre ko kayo pag totoo.ni blast talaga sa buong site, ahihi.5 seconds to fame ang lolo..charo-santos-concio.

nanginig talaga ako pag sabi ng client na, "can i talk to your supervisors?i want them to know how good you are in providing service to your callers.." namutla ako at syet...OMG, press mute..Teeeeeeeeeeeeee eeeeeeeeeeeeL.....!!!!!!!!!!!!!!Salamat kay God, atleast nabibigyan ako ng reason to stay,fight and believe in myself.english un ha.hehe.

Sleeplessness

mga 4 oras palang naitutulog ko mula nung nakaraang araw.kasama na yung kanina.hehe.kagigising ko lang po kasi..ang reason, sobrang init sa cebu, sobrang kailangan magtrabaho at syempre, sobrang landi ko..makati,haliparot, kaladkarin at belyas kaya imbes na magpahinga pag may pagkakataon, inuuna ko ang dapat mauna sa listahan ng mga pokpok.ayun...hehehe.sige lang, keri pa.

ayu-ayo mo guys.pag may time lumandi, wag na mag-isip okay? yung mga pa tweetums ngayon ini-stone to death....u don't want that right? :p

Saturday, April 19, 2008

Fair Fight

last day of "nesting" today.we're now moving on to production.no more supports, no more assists, like a bird, we now have to spread our own wings and rely on to ourselves.gawd i'm so afraid...it's either i make it or not.

i still have the chills.the fear.the anxieties. whenever i'm about to approach the station, i just don't know.my stomach cramps, my knees weaken, my mouth dries and arggghh my mind spins.there's only a single thing that i do whenever hesitation starts to creep in..i say my favorite prayer, The Lord's Prayer.and it works, always.

funny how i was able to formulate a little theory on how to avoid impossible and irate customers. it started when i noticed that whenever i take a station with a fat headset,i mean a kinda big headset, sales would flow in, kudos would come and overall satisfaction will be expressed by most of the callers. short calls because of simple concerns also are the ones lined up for those stations with kinda big headsets, therefore helping improve my average handling time or the number of minutes i spend (t) on each call.when seat shortage however occurs and i will be forced to take a cubicle with a thin headset, the opposite happens.

this theory, however, remains a secret coz i don't want my teammates to think that i'm suffering from psychological disorder.hahaha.bleh :p

going back to my chills, i approached TL and told her that I am really afraid to work on my own.I cited my lack of experience in this business as the one responsible for my level zero confidence. modesty aside, i know i'm doing good.excellent in fact...my score card serves as my evidence to that but that's not enough for me to believe that i am now ready to be on my own.

she just smiled at me and said,

"you know what?, i understand you.two years ago, i also had the same predicaments.the chills while walking on the hallway, the endless praying of Hail Mary....but i have always believed in the importance of a FAIR FIGHT.

and a FAIR FIGHT means giving yourself a chance...trying....believing....we don't know what will happen, we might fail but remember, we might also succeed.

do not deny yourself a fair fight mike..."

i sighed...smiled....thanked her....approached my station and sighed again....logged in....pressed auto in...


fair fight now begins...:p


**********************************************************

*how i wish i had given myself a fair fight when i was still with him.too bad TL was not there yet to tell me those words.had i known, i could have been fighting till now.

sad that i already pressed the log-out button on his life.sad that i have no more calls to answer on the line that we built together.

sad that there would be no more "thank you for calling, please have a good day, i'm just here on the other line, i'm listening, i understand your point, i apologize for that, let me help you with that, please take care, please expect a callback from me..."

no more "please call me anytime you need me.."

no more "i love you..please hold on"


sigh...

Friday, April 18, 2008

Agree?


"Qui a dit que l'argent ne peut pas acheter le bonheur ne savait pas juste où faire des achats."


"(Whoever said that money can't buy happiness just didn't know where to shop.)"

-A.L."the shopping freak" :p



Thursday, April 17, 2008

Pers Taym

ehem.new blog.new life.

as if ang blog ang makakagawa nun di ba?hehe.wag nyo po ako tanungin kung bakit ganyan ang title ng blog na 'to.wala akong matalinong sagot dahil super mangmang ako.yung dati kong blog, bigla nalang may pumasok sa isip ko na eat all you can kaya ayun, yun ang naging title.hindi ako mahirap kausap, kahit sa totoong buhay.swear.kung anu ang nandyan, fayn, ayos na yan.ahehe.kaya ganito ang buhay ko, puro kaululan.kasi,may utak nga ako, hindi ko naman magamit-gamit.

sana po ay tangkilikin ninyo ang aking bagong blog.naks, parang nagpu promote lang ng hapee toothpaste, gawang-pinoy.hindi ko naman siguro maiisip yung title na ganyan kung walang pinaghuhugutang malalim na nakaraan, syet, i hate the past, ahihi, di ba?

ganito lang yun.kasi po, sa kasalukuyan pagud na pagod na ako.mag-isa lang ako, at mag-isa sa totoong kahulugan ng salita yun.mag-isa sa kwarto, mag-isa sa cebu, mag-isa sa buhay (walang jowa,haha), mag-isa sa mga pangarap at mag-isa sa nyetang mga kawirduhan ko.kakapagod ang mga nangyayari sa buhay ko...pahid ng luha...tingin sa camera,lolz...wala po kasing nababago, hirap pa rin.malayo sa pamily, este family, kayod-to-the-max pero walang nararating.imbes na paakyat, bulusok ang direksyon ko.malapit ng sumadsad.

pero sa kabila ng lahat..ahem..makatang pilipino...hindi ako bibigay.hindi ko ibibigay ang iniingatan kong virginity, lolz.hindi ako susuko.pag pagod, wag magreklamo,pahinga lang ang katapat nyan.sandal ng likod, lipas na.pag gutom, wag umiyak, inom ng tubig, buksan ang skyflakes, nguya,lunok.pikit, okay na.pag nalulungkot, wag mag-alala.may mga kaibigan sa paligid,isang text, isang katok lang, instant ligaya na.pag nasasaktan, pikit lang ng mata at tumawag sa Kanya, sa dasal palaging mayroong kapayapaan.

lahat tayo, mapapagod..lahat tayo, manghihina.ayos lang, wag na wag lang tayong susuko.....sa laban ng buhay, dapat matatag (manny pacquiao ikaw ba yan!).


there are two greatest days in your life,
the day you were born,
and the day,
you'll discover why...

-mikmik



don't give up warriors :p