Saturday, May 3, 2008

Sweet Rice



isa sa mga kinakaharap na problema (char, ang lalim ng opening) ng bansa ngayon eh ang kakulangan ng suplay ng bigas.dahil dito, sobrang tumaas ang presyo ng pangunahing pagkaing pinoy at talaga namang pila kung pila ang mga inay para lang makabili ng NFA.

kung ang iba ay nag-aalala sa bagay na ito, ako naman ay hindi.alam ko kasi na hindi maapektuhan sa ngayon ang pamilya ko dahil sa isang bagay.marami kaming bigas.eheheehe.bata pa ako, ganun na ang sitwasyon namin, si tatay ay certified magsasaka at si nanay naman ang taga subaybay sa mga ani namin.sipag kung sipag ang dalawa, ang bukid namin ay sobrang layo, 2 oras gamit ang bangkang de motor bago marating mula sa aming baryo.tyaga sila na malayo sa amin, dahil nag-aaral kami sa baryo samantalang kailangan nilang asikasuhin ang palayan.

ang eksena sa bahay, pwedeng mangyaring wala kaming ulam dahil walang pambili. pero hindi kailanman kami naubusan ng bigas sa rice dispenser (juk, sa sako lang, hekhek). ewan ko kung bakit sa kabila nito, hindi umasenso ang buhay namin. ang kagandahan lang, nakakatawid kami ng hindi nagugutuman.

isa sa dahilan kung bakit hindi kami naging mayaman kahit ang dami naming bigas eh ang presyo ng palay sa lugar namin. dagdag dyan ang nakakainis na eksena ng patubo sa utang.habang inaantay na mahinog ang palay, kinakailangan namin ng panggastos. ang siste, uutang ang inay at ang pangako eh babayaran ng palay. sa ganitong eksena, tuwing anihan, malaking parte ng ani eh napupunta sa interes ng utang at pambayad na rin dito.

nung nakaraang taon, nagsumikap talaga akong makahanap ng pera para mabayaran namin ang isang negosyanteng inutangan ni inay nung para maipadala sa akin nung ako'y nag board exam. sa kabutihang-palad, nakakuha ako ng pera na agad kong ipinadala sa kanila.laking tuwa ni itay nung mabayaran namin ng buo ang utang dahil sa ganung sitwasyon, solo na namin ang aming ani.

ayun.may espesyal pa na bigas na itinanim si itay para sa kanyang mga mahal na anak. ang tawag nya dito ay "sweet rice", hindi ito yung malagkit na ginagawang biko, ehehehe. totoo namang manamis namis ang bigas. gusto nya raw kasing ganado kami kumain at yun ang pagpapakita nya na mahal nya kami.

ayaw namang sabihin ni itay kung anung variety ng palay ang sweet rice.naisip ko tuloy na malamang hindi totoong kakaiba ang bigas na yun.pwedeng katulad din lang sya nung iba, naiba lang dahil alam naming "espesyal" yun, kasi ani ni itay, at naging manamis namis sa panlasa naming mga anak nya kasi nahaluan ng elemento ng pagmamahan nila ni inay :p.

madalas sabihin ni nanay, "anak, tapusin mo ang pag-aaral mo...kasi kapag hindi mo yun ginawa, sa bukid ka babagsak kagaya namin.."..alam ni inay na katakut-takot na eksena para sa akin ang mapunta sa bukid namin.kaartehan or anuman, hindi ko natutunang mahalin ang palayan namin.simple ang mga rason ko noon, malungkot dun...walang libro, walang kuryente, walang mga tao, walang mga tindahan, walang kahit anu.....mamatay ako sa bukid dahil sa pagkabagot. ang mga kapatid ko tuwang tuwa na sumakay sa likod ng kalabaw, maligo sa ilog, manguha ng pinya at bayabas, lumublob sa putikan, mamingwit ng isda at kung anek anek pa pero hindi ako.

tuwing bakasyon sa eskwela, dapat dun kami mamalagi sa bukid para magkasama-sama pero kailangan pa akong pilitin para sumama. hindi ako nag-iinarte, talagang hindi ko lang mapilit ang sarili ko. at alam ko na naiintindihan ako ni itay at inay. iba ang mundo ko.sosyal ang anak nila.ehehehe...mula pa nung simula alam nilang malayo ang takbo ng pangarap ko, at sinuportahan nila ako dun.

nung maging matagumpay ako, pagkatapos ng kolehiyo, pagkatapos ng halos 5 taong hindi pagpasyal sa bukid, hindi ko inakalang makakaramdam ako ng lungkot para dito....umuwi ako na dala ang tagumpay, pero pagkatapos ng mahigit 3 araw na pagbibyahe pauwi, wala akong nadatnan sa bahay namin sa baryo.si inay, si itay, ang mga kapatid ko, lahat ay nasa bukid.

nanlumo ako. nawala ang sigla.pero nabihayan ako ng loob nung sabihan ako ng isang kamag-anak na kung gusto ko, ihahatid nya ako sa bukid. suot ang modernong kasuutan, sumakay kami ng bangka at dumeretso sa bukid.habang naglalakbay, naisip ko ang lahat ng dahilan ng pangarap ko.iisa ang naisip ko.gusto kong maging matagumpay dahil gusto kong takasan ang bukid----maling rason, napagtanto ko. kasi alam ko, saan man ako makarating, hinding hindi ko maipagkakanulo na ang bukid na tinatakasan ko ay ang parehong bukid na sumuporta sa mga pangarap ko.

hinubad ko ang sapatos ko,maputik ang daan pero nakangiti ako.nauuhaw ako hindi sa sopdrink kundi sa tubig na galing sa bukal na nakalagay sa aming tapayan. nadatnan ko silang kumakain ng ginataang native na manok at inihaw na isda.gulat na gulat sila...niyakap ko si inay, niyakap ko si itay.amoy bukid daw sila pero wala akong pakialam.

nagpalit ako ng damit, sinuot ang mga luma kong baro na nakaimbak sa baul.niyaya ko ang mga kapatid ko, sinakyan namin ang pinakamatanda naming kalabaw na si kapon, dumeretso kami sa ilog at naligo.nanguha kami ng pinya, kumain ng bayabas.

nakakatuwang alam ko pa pala kung saan ang mga lugar sa bukid na magandang puntahan.alam ko pang manipulahin ang kalabaw.alam ko pa kung paano bumalanse sa likod nya.alam ko kung panu tumawid sa pilapil at alam ko kung paano hindi madulas sa putikan.

***sa mga panahong ganito na pasaway ang bigas, naiisip kong umuwi sa amin at manatili sa palayan. dun walang rice crisis....dun ang sweet rice ni itay :-p


11 comments:

wanderingcommuter said...

tumpak, tama, correct at isang malaking check. may palayan kami sa probinsya kaya nakakarelate ako. nakakagulat dahil ang presyo ng palay ay mga 12 pesos lang kada kilo pero pagdating sa palengke pumapalo na ng halos 32...ang laking diperensiya!

mikes said...

@ wandering commuter:


ay magbubukid ka rin? apir..hehe.

add kita pwede?

mikel said...

kami din walang rice crisis! hehe :) tsk. nag-usap-usap ang mga haciendero. haha. joke lang.
magkano ba ang palay sa inyo? dun sa amin pag wala kang powers e babaratin hanggang 7 o 9 ang palay. ayun. talagang pag wala kang panggastos e lulubog ka hanggan impyerno.

KRIS JASPER said...

kahit d2 sa uk,nag increased ang price ng bigas. an average of £5.00 per sack.

wanderingcommuter said...

oo naman ...walang problema!!!

wandering tsinelas said...

Nung bata akko kaya kong magtatakbo sa makitid na pilapil ng hindi nahuhulog. Ngayon ewan ko lang kung di ako pulutin sa putikan pag ginawa ko un.

Tsaka isa pa, mukhang wala ng mga pilapil ngayon, unti unti ng napapalitan ng mga kalsada ng subdivisions. :)

dean said...

hay! nagflashback ang childhood memories ko... habulan sa palayan tapos ligo sa irrigation.. hehe!!

ang laki siguro ng isla nyo kaya ang dami dami nyong bigas...

RedLan said...

kaartehan ah. joke. na-miss ko rin ang mga eskenang ito. pareho pala tayo. sobrang nakarelate ako sa post na to.

mature na tayo ngayon kaya naging maganda ang pananaw natin. joke.

hay, namiss ko tuloy umuwi sa amin.

chase / chubz said...

wow. richness may hacienda ahh.. heheheh

RedLan said...

MIKE, I HAVE A LUCKY TREASURE FOR U

TL said...

:p

un lang.

Adik!